Handa ang aktres na si Kylie Verzosa na itaas ang Pilipinas sa Miss Cosmo 2024 pageant dahil napili siyang maging host sa dalawang major events ng nasabing kompetisyon na gaganapin sa Vietnam.
“The Miss Cosmo Organization is thrilled to announce that internationally renowned Filipina actress, model, presenter, and beauty queen, Kylie Verzosa, will serve as the host for the Preliminary Night and Grand Finale of Miss Cosmo 2024,” saad sa post ng Vietnamese organizers.
Ayon sa organisasyon, ang Miss International 2016 titleholder ay nagsisilbing inspirasyon dahil sa passion nito pagdating sa “women empowerment,” lalo na’t nang itinatag niya ang Sola, ang shapewear brand na para sa lahat ng klase ng katawan.
“As host of Miss Cosmo 2024, Verzosa is poised to elevate the event with her grace, poise, and captivating presence,” dagdag sa pahayag ng Miss Cosmo pageant.
“With her vast experience in pageantry and her influence as an empowered woman, she is the perfect choice to lead both the Semifinals and Grand Finals, inspiring contestants and audiences alike,” dagdag pa nito.
Sobrang thankful naman ang aktres sa pagkakahirang niya bilang host ng patimpalak.
Samantala, nauna nang inanunsyo ng organisasyon na ilan lamang sa mga ka-join sa jury panel ng pageant ay ang dating presidente ng Miss Universe Organization (MUO) na si Paula Shugart at ang 2021 Miss Universe winner na si Harnaaz Sandhu.
Ang Preliminary Night ay mangyayari sa darating na October 2, habang ang Grand Finale ay sa October 5.