Sobrang naka-relate si Alexa Ilacad sa kanyang role bilang Sunny sa family drama movie na “Mujigae.”
Katulad ng kanyang character ay hindi pala mahilig sa bata itong si Alexa na gumaganap na tiyahin ng child actress na Ryrie Turingan na ipinaalaga sa kanya.
“I’m not really fond of kids. Until, nagkaroon ako ng pamangkin maliliit pa ang pamangkin ko and honestly they changed my life and sila lang talaga ang bata na gusto ko, pero after working with Ryrie sabi ko ‘a cute rin naman pala sila, ok rin naman pala’ and she’s so matured kulang na lang mag heart to heart na talaga kami like sis para na kaming magka-tropa sa set ang saya niya kasama,” kuwento ng aktres.
Maraming natutunan si Alexa sa kanyang role lalo na sa pagiging ina.
“Takeaways ko, actually it’s really hard to be a mother. And it takes so much selflessness to be a mother. Napasabi tuloy ako sa sarili ko, ‘Kaya ko ba ito if ever?’ Of course, the Alexa that is me today, wala pa talaga ‘yun sa isip ko talaga as in hindi pa ako nag-iisip at all to be a mother or to have a family, not really the priority as of now,” paliwanag niya.
Sa ngayon ay walang plano si Alexa na maging isang ina. Mas gusto niyang paghandaan ang kanyang future para maging super ready na siya kung makapag-decide siyang maging ina.
“In this life, ang taas ng mga bilihin etcetera, ang economy ang hirap. Kaya sabi ko, move na lang po ulit kung kailan na lang po sobrang yaman ko na saka na lang ako mag-a-anak whenever that happens and this is a personal choice,” paliwanag niya.
Showing na ang “Mujigae” exclusively sa SM Cinemas simula Oct. 9.