DYARYO TIRADA

Cindy Miranda suwerte sa career

Alex Brosas

Bilang maituturing na baguhan pa rin naman sa larangan ng showbiz ay masasabing masuwerte ang former beauty queen na si Cindy Miranda.

Matapos kasi siyang ma-feature sa movie directed by Xian Lim, may bagong movie si Cindy, ang 40, kung saan kasama niya si Kiko Estrada, with the special participation of Diego Loyzaga. Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Dado Lumibao.

Kasama rin si Cindy sa late afternoon game show ni Willie Revillame, ang Wil to Win na nasa bago nitong oras, 5 p.m.

Sa isang post ay nagbalik-tanaw si Cindy noong beauty queen pa siya.

“It’s been a decade since I was crowned Bb. Pilipinas Tourism in 2013, it was the golden and 50th year of Binibining Pilipinas. Last night was surreal, it was my first time to be back on Araneta stage after 10 years and I’m so glad to see and catch up with my Binibini sisters. It’s my pride and joy to be part of Bb. Pilipinas. At totoo nga ang sabi nila, “Once a Binibini, always a Binibini” and Indeed, in my blood, it runs. Happy 60th Anniversary @bbpilipinasofficial,” say niya.

Mula sa pagiging beauty queen ay malayo na nga ang narating ni Cindy. Mula hosting ay pinasok na rin niya ang larangan ng acting.