DYARYO TIRADA

Heart Evangelista may bagong paandar kay  Panda 

Alex Brosas

Napa-react ang netizens sa bagong post ni Heart Evangelista sa Instagram.

Nag-post kasi si Heart ng photo kung saan pinapakain niya ng caviar si Panda. Ang caviar ay unfertilized eggs na mula sa malaking isda na tinatawag na sturgeon. Napakamahal talaga nito at hindi basta-bastang nabibili lamang sa mga grocery o supermarket.

“Caviar bump na disss Besh. #aspinsocietyelite #presidentpanda”

Iyan ang caption ni Heart sa Instagram post niya.

Siyempre, naloka ang netizens sa kasosyalan ni Heart

“Nasampal nanaman kami ng 64 pesos kada pamilya HAHAHAHAHAHAHAHA”

“Grabe na yan Panda pati snack mo dollars Sana all may Mommy Heart Yung fur mo Panpan napaka flawless na and fluffy”

“Heart treat her Dogs na mga anak nya kaya grabe ang pagmamahal nya sa mga dogs nya .Dog lover kasi si Heart.:

“Well panda you deserve all the luxury things your mama can give you.  bayaan nlng ung mga bitter in life jan .. people, you have options in life, if you don’t like what you see in her post then scroll up .. no need to say bad things.. remember ung mga hndi magandang cnasabe s kapwa bumabalik yan s inyo ten folds sometimes.”

“O ha anong say nyo Balay Dako? buti pa si panda nakatikim na ng Caviar.Wag pong smallin ang aspins matatalino sila at mapagmahal plus malakas ang resistensya.”

“Sana Ako na lng Yung aso, Maka tikim.lang MN Ng mama haling caviar.”

“Princess Panda. Sinampal mo na naman kami ng kahirapan.”

***

Marian Rivera lookalike na-miss si Karylle

Kaloka itong Marian Rivera lookalike sa “It’s Showtime,” ha. Talagang marami ang naintriga nang sabihin niyang namiss niya makita si Karylle.

“Kung meron kang isang tao na gustong makausap o matagal mo nang hindi nakakausap, nami-miss na mga nakatrabaho mo noon, sino ang gusto mong kausapin?” tanong ni Vice Ganda sa lookalike ni Marian.

“Siguro, well, gusto ko po si K,” sagot ng Marian lookalike contestant.

“Brosas? Nakatrabaho mo na ba si K Brosas? Hindi mo naman siya nakatrabaho noon,” say ni Vice Ganda.

“Si Karylle,” sagot ng dalagang contestant.

Sa kanyang  sagot ay na-bash ang Marian lookalike.

“Kapal ah sa part na Yun..hihi Pag si Karylle pa tlga.”

“Ahahahaha ayaw ituloy dahil iiyak nanaman si K ahahaja.”

“Ayan trying hard kase eh. Eh di hindi mo mapanindigan pagiging Marian ni wala kang alam isagot. Intriga pa sana aatupagin. Bonak!”