DYARYO TIRADA

Chie Filomeno bumuwelta sa body-shamers

Joy Asagra

Hindi pinalampas ng aktres na si Chie Filomeno ang mga bashers na kumukuwestiyon umano sa kanyag hitsura ngayon lalo nang may maipost sa sa kanyang social media na isang larawan habang naka-bikini.

Marami naman ang pumuri sa pagiging sexy ng dalaga, ngunit hindi pa rin maiiwasan ang ilang bashers na kumukwestyon sa kanyang pangangatawan.

Kaya naman bumuwelta na ang dalaga sa mga laiterang body-shamers at ayon sa kanya, aminado siya na naaalarma at nalulungkot siya dahil maraming Pinoy ang sanay na sanay na pumuna sa katawan ng ibang tao.

“We live in a society that demands so much from us, you have to be this, you have to be that well in fact you just have to be YOU! You do you!” caption niya.

“How sad that there are so many cruel people in this amazing universe, and that some girls are bringing each other down when we should be the one lifting each other up,” dagdag ni Chie.

Iginiit din niya na never magiging okay ang body shaming.

“Body shaming needs to stop! Fat or skinny may it be a woman or a man. It needs to stop,” saad ni Chie. “Everyone is beautiful in their own skin, don’t let them tell you otherwise. Stop talking about fat or skinny women or men like their bodies are a tragedy.”

“Their bodies are beautiful! EVERY BODY is beautiful. We are all beautiful! No body is a tragedy. And don’t ever let anyone shame you for being you. As long as you know you are healthy inside and out, you do you! [white heart, sparkling emojis],” dagdag niya.