Gulat na gulat si Vin Abrenica nang nakawan siya ng halik habang nagpe-perform sa mismong audience.
Kinakanta ni Vin ang hit song ng Juan dela Cruz Band na No Touch. Sa kalagitnaan ng kanyang performance ay isang guy ang lumapit sa kanya at bigla siyang hinalikan.
Kitang-kita sa viral video na gulat na gulat si Vin sa ginawa sa kanya. Maging ang police escorts ay gulat din.
Kaaliw ang comments ng netizens sa social media patungkol sa video.
“Kulet kasi ng kanta niya eh kay kuya tuloy tumalab hindi sa mga babae ha ha.”
“Magging Bangungot n sayo yang kanta n yan maaalala mo ung sirenang nakadilaw.”
“HAYOPPPPPPPP KA LAKAS MU KUYA. NANG DIREEEE UNG ARTISTA SA GINAWA MO E HAHAHA.”
“Ng gigil talaga si kuya sa kagwapohan ni Vin. Di nya napigilan ang kanyang emotion.”
***
Batikos ang inabot ni Arnold Clavio nang mag-post ito ng komento laban sa mga politikong sumawsaw sa pagkapanalo ni Carlos Yulo ng gold medal at the recent Olympics 2024.
“EHEM! Nakakaumay na ang mga pagbati ng mga politiko kay Carlos Yulo matapos sumungkit ng mga gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Talagang nahalukay pa sa baul ang mga larawan. Yung iba mas malaki pa ang pagmumukha at pangalan kay Yulo. Hay naman! Ito na lang ibabahagi ko, ang tunay na inspirasyon ni Yulo, si Chloe San Jose.”
‘Yang ang Instagram post ni Arnold na umani ng batikos.
“Inggit ka Lang Igan. hayaan muna batiin c Carlos Yulo. Gold yan, isang karangalan ng bansa.”
“sus! mas ka umay ka. ung issue nga nya dun ka SB jusko mas nakaka gulat my anak sya, naka ligtas nga sa amo sa kanya din pala babagsak. maging proud ka sa kapwa pinoy natin, kung ayaw mo naman d wag kana lang magsalita.”
“ikaw na man maysakit ks na umeepal hayaan mo sila proud lng sila ky caloy yulo.nakagold sa olympic sinong di matutuwa ikaw igan anong ambag tumahimik ka na lng.”
“inggit ka lang, masyado ka pakialamero, imbes na matuwa ka, dahil nanalo ng Gold ang kababayan natin, minamasama mo pa ang pagbati ng mga politiko, bakit masama bang batiin nila ung taong nakapagbigay ng karangalan sa bansa natin. Mas nakakaumay ka. kung inngit ka pumikit ka. kung gusto mo sumali ka sa Olympic, ang Salian mo ung paligsahan ng mga pakialamero.”