Isa si direk Lauren Dyogi sa tuwang-tuwa sa bagong achievement ni Kim Chiu.
Pinadalhan ni Direk Lauren ng bulaklak at nagbigay siya ng short note sa It’s Showtime host nang tanghalin itong Outstanding Asian Star mula sa Seoul Drama Awards para sa kanyang natatanging pagganap sa Linlang.
Proud na ipinost ni Kim sa kanyang IG Stories ang ipinadalang bouquet of flowers at note mula kay direk Lauren at ng kanyang Star Magic family.
“Dearest Kim, Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them! Congratulations on winning Outstanding Asian Star! We are so proud of you.”
Yan ang message ni direk Lauren kay Kim.
***
Naging blessing in disguise para kay Maris Racal ang palpak na pagkakagupit niya ng kanyang bangs.
Kasi naman, kahit na hindi kagandahan ang resulta ng pagkakagupit ng kanyang bangs ay may naging position naman itong resulta.
Nagamit niya kasi ito sa kanyang bagong commercial na flavored beer.
Sa kanyang Instagram account, Maris shared a short video of her new commercial.
“Ayan yung palpak kong bangs noon, nasa commercial na!!!” say ni Maris sa kanyang caption.
“Pero kahit you look like a pencil, good vibes anyway with your real ones,” dagdag pa niya.