DYARYO TIRADA

Brandon Espiritu palaban sa pakisigan

Alwin Ignacio

Ang mga diwata at sirena, tutok na tutok at panmalakasan ang pagsubaybay sa kasalukuyang ginaganap na Mister Supranational, huh! Ang mga Pinoy pageant bekibel aficionado, lugod na lugod at rahuyong-rahuyo kay Mister Supranational Philippines Brandon Espiritu na isa sa anim na kandidato ng Mister Supranational 2024 na itinanghal na Mister Influencer Opportunity. Palong-palo ang Papa Brandon sa YouTube Challenge.

Ang iba pang Supranational Mister Influencer Opportunity na kasama ni ginoong Espiritu ay sina Guillermo Layus ng Argentina, Thet Oo Maung Maung ng Myanmar, Fezale Mkhize ng South Africa, Chonlawit Wongsriwor ng Thailand, at Do Quang Tuyen ng Vietnam.

Sa pamamagitan ng social media platforms competition, dalawa sa anim na Mister Influencer Opportunity na mahahalal ay siyento porsiyentong pasok sa Top 20 semifinalists.

Wala pang barakong Pinoy kontesero ang nag-uwi sa Mister Supranational karangalan.

Marami ang nalugod sa impressive e opening performance ni Brandon sa Mister Supranational 2024. Maigting at malakas na palakpakan ang ibinigay ng pageant audiences kay Brandon matapos nitong ipahayag na siya ang kandidato na mula sa “beautiful, fun, and resilient country of the Philippines.”

Dagdag pa ni Papa Brandon, “Fun fact is I am from Guam, I was born and raised there for 18 years. Not so fun fact, back in 2018 was one of my lowest points. I went through being homeless, living out of my friends couches, thank God, I have good friends. But in that point in time, I was serving tables, I was hopping couches and I was selling shoes out of my trunk to make a way.”

Pagtatapos na pahayag nito: “Happier fact is that same person today is proud to be an owner of a restaurant, bar, and café in one of the most progressive growing cities in the world, Manila. So I am not here to be a pageant king. I’m here to be an ambassador and to elevate the Supranational brand, and like I am doing so, being a beacon of hope and showing people that your dreams can be a reality.”

O hindi ba! Opening statement pa lamang, nagsusumigaw na winner all the way na! Ikaw na talaga, Brandon Espiritu ang bagong mamahalin at sasambahin!

Ang grand coronation ng Mister Supranational 2024 sa Nowy Sacz, Poland, sa Hulyo 4, 2024.

***

Nakakabaliw ang mga katkaterang totoo at sawsawerang sawimpalad kasi nga ayaw nilang tumigil sa satsat na buntis na si Charlie Dizon, ang asawa ni Carlo Aquino, huh!

Para sa mga nagmamagaling na hitad, napakabilis ng mga kaganapan sa dalawa kaya hindi nga kataka-taka at mas lalong hindi nakakahibang, kung infanticipating na URIAN best actress.

Ito namang pangkatkatketra at sawsawerang sawimpalad, pakialaman ba ang matris ni Mrs. Carlo Jose Aquino. At kung sakali mang bibo at malakas ang punlay sa semilya ni Aquino, isyu ba dapat kung napuruhan agad ang itlog ni April Rose (tunay na pangalan ni Charlie)?

Kasal naman ang dalawa at pag kinasal, ang susunod na kabanata ay “humayo kayo at magpakarami” hindi ba naman? Kaya tigil putakan na, pangkat katkatera at sawsawerang sawimpalad, ibang klase kayo, huh!