Nabawi na ng It’s Showtime host na si Anne Curtis ang korona bilang most followed Filipino celebrity on Instagram.
Noong December kasi ay naungusan si Anne ni Kathryn Bernardo. Kasagsagan kasi noon ng hiwalayan nina Kathryn at Daniel Padilla kaya naman marami ang nag- follow sa kanya sa Instagram.
Sa ngayon ay slightly naungusan ni Anne si Kathryn. Mayroong 20,724,017 followers sa Instagram ang It’s Showtime host samantalang si Kathryn Bernardo naman ay mayroong 20,718,259 followers.
Isa si Anne sa pinakasikat sa social media na mayroong milyong followers sa Facebook at X.
Sa ngayon ay lagare si Anne dahil bukod It’s Showtime ay may gagawin siyang Korean-inspired teleserye with Joshua Garcia and Carlo Aquino. May comeback movie din siya na ididirek ni Erik Matti.
***
Tila naimbiyerna si Ian Veneracion sa inabot na kaliwa’t kanang batikos ng daughter niyang si Deirdre.
Itsinika ni Ian sa isang interview na umamin ang kanyang daughter na nagkakagusto sa kapwa niya babae.
Sari-saring batikos ang inabot ng anak ni Ian nang ma-feature ito sa Pride Month edition ng Preview magazine.
“Seriously, let’s all just cut the b*llsh*t. People should be honored and respected for their compassion, courage, and integrity–not for the choices they make in the privacy of their bedrooms,” pagtatanggol ni Ian sa anak.
“Proud of my daughter for embodying these values. Who she loves is her business,” dagdag pa niya.
Actually, noong 16 years old pa lang ay umamin na sa aktor ang anak niya.
“Sabi niya ‘Daddy, I have to tell you something.’ Sabi ko, ‘What? Sit down.’ Sabi niya, ‘I like girls.’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘Me also I like girls.’ So parang nagtataka siya, sabi niya, ‘It’s okay?’ Sabi ko, ‘Yes. Just don’t be ever apologetic about it, not even to me.’ Sabi ko, ‘You can be whoever you want to be and I have full support’,” chika ni Ian.