Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Langis tumagas sa shipyard sa Aklan

DT · May 31, 2024, 10:44 AM

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon na tumugon ito sa insidente ng pagtagas ng langis sa isang shipyard sa Barangay Polo, New Washington, Aklan.

Sinabi ng PCG na galing ang langis sa Barge 102 na nakadaong sa shipyard area at agad silang nagsagawa ng koleksyon, habang ang mga empleyado ng pasilidad ay gumamit ng heavy equipment para maghakot ng mga nakontaminang bagay roon, ayon sa ulat ng GMA News.

May 39 manggagawa ng shipyard ang tumulong sa pagkuha ng tumagas na langis at debris.

Hindi pa makumpirma ng PCG ang uri at dami ng langis na sangkot sa pagtagas.

Na-monitor din ang mga bakas ng kinang ng langis sa ilog sa Barangay Poblacion.

Sa pagtaas ng tubig, maglalatag naman ng absorbent pads at boom ang PCG at mga manggagawa ng shipyard.