Ang kandidata mula sa makasaysayang Bulacan ang hinirang na Miss Universe Philippines 2024. Si Chelsea Anne Manalo ay may hinhin na tangi, dakilang ganda at alindog, at siempre pa talinong litaw na litaw sa mahusay niyang sagot sa natokang tanong sa kanya. Sa totoo lang, sa huling limang naglaban-laban para sa korona at karangalan, siya ang may pinaka-mainam at makabuluhang tugon sa tanong.
Ang tanong kay Manalo: “You are beautiful and confident, how will you use these qualities to empower others?” Ang pambihira niyang kasagutan: “As a woman of color, I have always faced challenges in my life. I was told that beauty has standards actually. But for me, I have listened and always believed in my mother to always believe in yourself, and uphold the values that you have in yourself.”
Patuloy niya: “Because of this, I am already influencing a lot of you facing me right now as a transformational woman. I have here 52 other delegates with me who have helped me be the woman that I am. Thank you.”
Ang nagputong ng korona kay Manalo ay si Miss Universe 2023 Top 10 Michelle Dee. Marami ang may pananalig sa bagong reyna na ito ang magiging ikalimang Pilipina na Miss Universe. Ang apat nating Pilipinang naging Miss Universe ay sina, ang kauna-unahan na si Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Ang iba pang nanalo sa itinuturing na pinaka-prestihiyosong patimpalak para sa kagandahan ay sina 1st runner-up: Stacey Daniella Gabriel (Cainta), 2nd runner-up: Maria Ahtisa Manalo (Quezon Province), 3rd runner-up: Justine Tarah Marie Valencia (Baguio), at
4th runner-up: Christi Lynn McGarry (Taguig).
Kabogera ang alindog, hinhin, pang-rahuyo at talino ni Chelse Anne Manalo. Sa panahon ngayon na marami ang baliw na baliw sa whitening soaps at gluthatione drips para maging tisay, isa pang lalong nagpatingkad sa rikit ni Manalo ay ang kanyang brown is beautiful complexion. May kakaiba ring indayog at ritmo ang kanyang paglalakad. At talagang hindi makakaila na nagsusumigaw ang kanyang pagiging reyna sa suot niyang napaka-elegantang evening.
Kaya, mabuhay ka, mahusay ka, Miss Universe Philippines Chelsea Anne Manalo!
***
Ang isa pang pinag-uusapan ang ganda ngayon ay si Jane de Leon, ang millennial Darna. Isa pala itong proud ATIN, ang tawag sa fandom ng Southeast Asia’s Superstar Pop Group, ang SB19.
Pinag-uusapan sa Ekis ang kanyang naging pa-contest para sa matagumpay na Pagtagtag Finale Concert ng Mahalima na ginanap kamakailan sa Araneta Coliseum.
Nagpa-contest si Jane na patungkol sa konsiyerto at sa kanyang IG Story, makikita ang pakiki-pagtapuan ni De Leon sa mga nagwagi, nung Day 2 at VIP Standing ang kanyang ipinamigay, huh! P7K ang presyo kada isang ticket iyon, sa totoo lang. Kaya sa reel, hindi makakaila ang galak at tuwa ng mga nagwagi sa kanyag pa-contest.
Bukas na aklat rin na may crush means paghanga si Jane kay SB19 Ken Suson. Sa IG Story niya nung mismong konsiyerto, may pangmalakasang posts siya na ang nilalaman, ay pulos papuri para sa Pambansang Guapo ng Pilipinas. Ang tamis-tamis naman masyado niyan, millennial Darna ha.
Ano nga kaya ang reaksyon ni Ken Suson, at siempre pa nina John Paulo Nase, Josh Cullen Santos, Justin de Dios at Stell Ajero sa ginawa mong pa-contest at suporta sa kanila?
At, makakaasa ba ang aking Chika Diva mambabasa na sa pinaka-maagap na hinaharap, ay magkakasama kayo ni Felip sa isang pangmalakasang proyekto? Pwedeng sa isang music video, brand endorsement o kaya romcom? Why not! Choc Nut!