DYARYO TIRADA
Isa pang gintong medalya para kay Yulo
Muling nanalo ng gintong medalya si Carlos Yulo sa 2024 Men Artistic Gymnastics Asian Championships sa Uzbekistan.
Nagtala ang Filipino star ng score na 14.933 sa men’s finals ng floor exercise noong Sabado, ilang araw lamang matapos maghatid ng 84.931 puntos para makuha ng kanyang unang all-around gold medal sa patimpalak.
Tinalo ni Yulo si Milad Karimi ng Kazakhstan sa finals. Nagtapos si Karimi na may 14.600 puntos para makuha ang pilak na medalya.
Samantala, si Zhang Yanzhi mula sa China ay nakakuha ng tansong medalya sa puntos na 14.
Isa pang Pinoy, si John Ivan Cruz, ay nasa ikaapat na puwesto matapos siyang makakuha ng 13.966 puntos.