Si Sam Samara, ang kinatawan ng Makati City sa 2024 Miss Philippines Earth pageant, ang nagwagi sa beach wear competition ng timpalak sa pagandahan na ginanap sa Eastern Samar.
Suot ang flowy white frock na may bulaklak na itim at magenta, natalo niya ang 28 iba pang kandidata para agawin ang gintong medalya sa contest na ginanap sa Borongan City noong Abril 25.
Nakakuha naman ng pilak na medalya si Kristel Codas, kinatawan ng Iligan City, habang si Irha Mel Inutan Alfeche mula sa Matanao, Davao Del Sur ay nakuha ang bronze medal.
Ang 2024 Miss Philippines Earth ay naghahanap ng karapat-dapat na kahalili ni Yllana Marie Aduana, ang nagwagi noong nakaraang taon na kinoronahang Miss Earth-Air sa 2023 Miss Earth pageant na ginanap sa Vietnam noong Disyembre.
Ang koronasyon ng 2024 Miss Philippines Earth pageant ay gaganapin sa bayan ng Talakag sa Bukidnon Province sa Mayo 11.
Ang magwawagi ay kakatawan sa Pilipinas sa 24th Miss Earth pageant na gaganapin muli sa Vietnam sa huling bahagi ng taong ito.
Ang Miss Philippines Earth at Miss Earth pageants ay itinatag ng Manila-based organizer na Carousel Productions upang magsilbing plataporma sa pagsulong ng environmental awareness.
Ang Pilipinas ang pinakamahusay na gumaganap na bansa sa international pageant na may apat na nanalo—Karla Henry (2008), Jamie Herrell (2014), Angelia Ong (2015) at Karen Ibasco (2017).