Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Dosenang militante todas sa engkwentro

DT · Apr 24, 2024, 11:45 AM

Photo Courtesy of 6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army

Labindalawang militante ang napatay sa pakikipagbarilan nila sa mga pwersang panseguridad at pitong sundalo naman ang sugatan sa engkwentro sa Maguindanao del Sur, pahayag ng hukbong sandatahan.

Nangyari ang bakbakan noong Lunes sa isang kanlungan ng maraming armadong grupo mula sa mga rebeldeng komunista hanggang sa mga Islamista.

Sinabi ng Philippine Army na napatay ang pinuno ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction at ang kanyang kapatid kasama ang 10 mandirigma.

Nasamsam ng mga sundalo ang 12 malalakas na baril, kabilang ang limang M16 rifles, ayon sa hukbong sandatahan.