Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Lalaki binagsakan ng backhoe bucket, patay

Sebastian Navarro · Apr 16, 2024, 10:00 AM

Isang lalaki ang nasawi matapos umanong bagsakan ng isang backhoe bucket ng nakaalitan umanong foreman sa Tanay, Rizal.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si na si Melvin Tica habang sumuko naman ang suspek na kinilalang si Domy Floren.

Ayon sa anak ng biktima, naikuwento sa kanya ng kanyang ama na may naka-away ito sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Nang magtungo ang biktima sa construction site sa Sitio Suyok, Barangay Tandang Kutyo, muling nitong nakasagutan ang suspek na naghuhukay noon gamit ang backhoe.