Aminado ang aktres at beauty queen na si Kylie Verzosa na talagang masaya siya ngayon sa estado ng kanyang lovelife at sa isang panayam, sinabi ng dalaga na private person talaga ang kanyang boyfriend ngayon.
Inamin rin ng dalaga na supportive ito sa kanyang trabaho bilang artista.
“I come from a different industry, he comes from a different industry. He respects mine and I respect his job. He’s very supportive on everything that I do and I’m so happy and I’m so lucky. It’s very peaceful,” sabi ni Kylie.
Dagdag niya, nagkakilala sila ng kanyang nobyo sa pamamagitan ng isang common friend.
Naitanong din si Kylie kung ano ang kaibahan ng pagkakaroon ng showbiz boyfriend sa non-showbiz at ang sagot niya, mas tahimik umano at mas na-a-appreciate niya ang pagiging “special” ng kanyang romantic relationship.
“It’s more peaceful. There’s less pressure on the relationship,” sabi ni Kylie. “It’s something that I appreciate na tinatago ko lang para sa sarili ko. Yes, I am in showbiz and so many parts of my life [are] exposed to the public, but this is something special and ours to keep.”
Nang matanong kung ano talaga ang naging dahilang ng paghihiwalay nila ni Jake Cuenca, hindi na ito sinagot ng dalaga, pero pinuri rin niya ang aktor at inilarawan na isang mabuting tao ang aktor.
“That part of our lives, I would prefer to just keep it to the both of us,” sabi ni Kylie. “I’m grateful for everything that happened. He is such a good person and I have nothing but good things to say about him. It’s been two years now, I think.”