Isang bagong panahon sa Far Eastern University basketball ang malapit nang maganap na simula ng Universities Athletics Association of the Philippines Season 87.
Ang mga basketbolistang taga-Morayta ay pangungunahan na ngayon ng bagong head coach na si Sean Chambers, ang dating import ng Alaska team sa Philippine Basketball Association.
Ang dating coach, si Denok Miranda, ay lumipat ng pwesto bilang director ng koponan.
"Maraming salamat po. Malaking pasasalamat kong makabalik sa Pilipinas," pahayag ng anim na beses na PBA Champion, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
Ang dating Alaska Aces superstar ay nagsagawa na ng ilang mga practice kasama ang kanyang bagong squad.
"Tatlong pagsasanay na ang dinaluhan ko at sinusubukan ko lang kilalanin ang mga manlalaro, kilalanin ang pasikot-sikot ng UAAP. Medyo may learning curve ako para malaman kung ano ang matagumpay at ano ang magiging matagumpay dito," dagdag ni Chambers.
Ibinahagi rin niya ang ilan sa mga bagay na kanilang natalakay sa kanyang mga pagpupulong sa mga Tamaraw.
"Nangako ako sa kanila, hindi ako tinawag na 'Mr. 100 percent' nang aksidente lamang," aniya.
"Ginagarantiya ko na ako ang magiging pinakamasipag na coach sa UAAP. Wala akong kinukuha sa mga kasalukuyang coaches na naririto, ngunit alam ko lang ay kung ano ang nasa korte ko, at ang korte ko ay magbigay ng 110 porsyento sa kahit anong gawin ko," ani Chambers.
Binigyang-diin niya na tulad ng ginawa nila sa Alaska, gusto ni Chambers na makipagkumpetensya at lumakas ang FEU sa tamang paraan.
“Una sa lahat, gagawin natin ang lahat na may integridad. Gagawin natin ang lahat habang iniuuna ang pamantasan bilang ating adhikain. Susunod ay magiging may pananagutan tayo sa isa’t isa,” pahayag ni Chambers.
“Gusto nating lahat na may pananagutan hindi lamang sa mga teammates kundi sa pamantasan. Magtatrabago tayo ng husto at maghahanda tayo na parang baliw. Gaya nang sinasabi namin sa Alaska, ang kagustuhang manalo at mahalaga ngunit ang kagustuhang maghanda ay mahalaga. Iyan ang ilalatag natin sa lamesa,” sabi ni Chambers.
Masayang nagbabalik sa Pilipinas si Chambers na may bagong papel.
"Ang buong karera ko sa Pilipinas ay kamangha-manghang pagpapala sa maraming level. Pagwawagi ng kampeonato kasama ang Alaska, pagkakaroon ng kamangha-manghang teammates, coaching staff, may-ari sa katauhan ni Mr. [Wilfred] Uytengsu. Palaging isang pagpapala na mapunta sa kamangha-manghang bansang ito na itinuturing kong pangalawang tahanan," aniya.