Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Estudyante nabagsakan ng goal post, patay

Sebastian Navarro · Mar 28, 2024, 11:20 AM

Isang estudyanteng atleta ang nasawi sa isang unibersidad sa Laoag, Ilocos Norte matapos madaganan ng soccer goal post.

Batay sa mga ulat, nangyari ang insidente habang nagti-training ang Grade 11 student para sa long distance track and field para sa Region 1 Athletic Association Meet.

Lumambitin daw si Dela Cruz sa bakal na soccer goal post pero bumigay ang nasabing poste at nadaganan ang biktima.