DYARYO TIRADA
Mag-asawang Pinoy sa Australia nalunod
Isang mag-asawang Pinoy na nakatira sa Perth, Australia ang nasawi matapos malunod, ayon sa ulat ng Australian news site na 9 News.
Ayon sa mga ulat, nag-renewal of vows ang mag-asawa sa kanilang pagsasama, ilang linggo pa lang ang nakararaan at nasa fishing expedition umano ang mag-asawa nang mangyari ang trahedya noong nakaraang linggo.
Nakasaad sa ulat na inarelerto ang mga pulis nang hindi makauwi ang mag-asawa at nang puntahan ang lugar kung saan sila nagtungo, nakita ang sasakyan nila sa Herron Point Boat Ramp na wala ang kanilang mga gamit sa pangingisda.
Natagpuan ang kanilang katawan sa Peel Estuary, na 30 kilometro ang layo mula sa Mandurah sa Perth noong March 14, ayon sa hiwalay na ulat.