DYARYO TIRADA
Preso sa MPD namatay
Patay ang isang preso habang nasa loob ng piitan ng Manila Police District Police Station 5 sa Ermita Manila nitong Martes ng gabi matapos ireklamo ang pananakit ng kanyang ulo at tiyan.
Ang biktima na dinala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ay kinilalang si Alejandro San Buenaventura, 35 anyos, residente ng 2000 Anakbayan St. Malate.
Batay sa imbestigasyon ni PSSg Irene Jay Manalili ng MPD-homicide section, dakong 6:48 ng gabi nang magreklamo ang biktima ng matinding pananakit ng ulo at tiyan.
Agad siyang dinala sa ospital kung saan siya namatay.
Nabatid na si San Buenaventura ay naaresto noong Pebrero 19, 2024 dahil sa paglabag sa Sec. 5 Art. 7610 na kilala bilang Child Abuse law. PS