Ngayong muling nagbalik sa "ASAP Natin To" ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao, inamin niya na ang kanyang muling pagsasayaw sa nasabing programa ay isang "symbolic renewal" ng kanyang health, na siyang naging dahilan ng pag-alis niya sa show.
Nang makaranas daw siya ng mga symptoms ng hypothyroidism ay nagdesisyon na siyang magpaalam sa "ASAP" noong 2014.
"I had to give up on that dream — no, it wasn't even a dream, I was living the dream, that was my reality. Every Sunday, I would go on stage. It became a part of my life. It became a huge part of who I am as a person that I had to give up on," sabi ni Shaina.
Na-diagnose raw siya noong mga panahong yun ng hypothyroidism, o underactive thyroid. Pero binalewala lang daw niya ito hanggang sa maglabasan na nga ang mga signs and symptoms.
Ang mga common symptoms ng hypothyroidism ay "fatigue, weight gain, joint and muscle pain, and slowed heart rate."
"I had to stop it because I got diagnosed with hypothyroidism. I was gaining weight uncontrollably. I did not handle it well. At a very young age, unusual 'yun. I've been puyat since I was 6 years old. I was not taking care of my body. I was not working out. I was not living a fit lifestyle. May gimik pa 'yun on the side! May taping ka pa! Tapos may movie pa! Youth, 'di ba? Hanggang sa siningil ako ng katawan ko," pag-amin ng aktres.
Ayon pa sa dalaga, talagang nakaapekto sa kanyang confidence bilang dancer at performer ang mga pagbabago sa kanyang katawan.
"Also, meron ding mental damage na nagawa sa akin. Kasi parang feeling ko, okay, pataba na ako nang pataba, hindi ko na ma-control. I was having breakouts also, na never kong naging problema. Those hormonal changes, sobra siyang naging evident sa buhay ko when I quit 'ASAP.' Sabi ko, sige, mag-aartista na lang ako," sabi ni Shaina.
"I did not think na time will come na masasabi ko, 'It can be tamed.' It's all about hormonal imbalance. I'm at my pinaka-fit body, my state now. It did not happen overnight. Grabe 'yung sacrifices na I had to do. I had to work out every other day," pagbabahagi pa niya.