DYARYO TIRADA

Sandara Park, sa Pinas nag-Pasko

Joy Asagra

Sa Pilipinas pala nag-Pasko ang K-Pop superstar na si Sandara Park at nagbakasyon nga ang dalaga sa Bohol at base sa kanyang mga post sa social media ay tatlong araw na siyang nandoon.

"Dara Tour is back~!!! One of those days when it was snowing… (snowflakes emoji) Dara Tour to Bohol (airplane emoji) #itsmorefunwithDARATOUR #DaraTourInBohol" saad ni Sandara sa kanyang caption.

Nagpost rin ang dalaga ng video niya habang nagsasayaw ng isa sa mga sinaunang sayaw ng bansa, ang tinikling, na lubos namang ikinatutuwa ng daan-daang libong netizens.

"Tourist Dara's #tinikling challenge!!! the national dance of the Philippines (laughing emojis) hirap… nakalimutan ko na! Practice pa more!!! #DaraTour in #Bohol" sabi sa caption.

Maraming netizens naman ang napa-comment at bumilib sa pagiging pusong Pinoy ng Korean star.

Matatandaang taong 2004 nang unang sumikat dito sa ating bansa si Dara matapos sumali sa talent search na "Star Circle Quest."

Noong 2009 nang maging miyembro siya ng iconic K-Pop girl group na "2NE1."