Aminado ang sexy actress na si Ayanna Misola na nagulat siya sa nakita niya habang kinukunan ang love scene nila ni Sid Lucero para sa pelikulang Bugso dahil hindi pala umano nakapag-plaster ang aktor.
Pero kahit ganoon ay naging handa pa rin ang dalaga sa kanyang mga mga steamy and daring scenes with Sid sa pelikula lalo pa't ito ang unang beses na nagkatrabaho silang dalawa.
Wala naman daw s'yang ginawang kakaiba para paghandaan ang mga bed scenes nila dahil nasanay na daw s'ya sa paggawa ng mga ganito from her past sexy movies.
"Parang naging normal na lang po kasi sa akin kada may love scene. Kasi sa dami na ng nagawa kong love scenes, sobrang ready na talaga ako gawin 'yon. Sobrang ano n'ya [ni Sid] din, professional kasi," sabi ni Ayanna.
Pero ang hindi daw n'ya inasahan ay ang makikita n'ya, unintentionally, ang pagkalalaki ng actor nang malapitan habang ginagawa nila ang isang eksena.
Hindi daw pala kasi ito nakapag-plaster hindi gaya sa mga aktor na naka-eksena n'ya sa mga naging pelikula n'ya before.
"Makuwento ko lang…isang beses, parang may scene du'n na hindi talaga s'ya nag-plaster. Tapos nag-galing-galingan pa ako kay Direk [Adolfo Alix, Jr.]. Sabi ko, 'Direk, ako na magtatanggal nu'ng underwear n'ya [ni Sid].
"Kasi kailangan s'ya sa scene. So, nagulat ako, may nakita ako doon. Hahaha! First time ko 'yon. My God!" sabi pa ng dalaga.
Pagkukumpara pa ni Ayanna, oo nga't nagawa na n'ya ang ganu'ng move sa eksena nila ni Gab Lagman sa pelikula nilang Bula, kung saan kailangan niyang hubuan ng briefs ang akyor, pero naka-plaster naman daw noon si Gab.
Kaya naman laking gulat daw n'ya sa naging eksena nila ni Sid.
"Ayon totoo talaga. Kasi 'yong kay Gab Lagman naka-plaster s'ya nu'ng pagkatanggal ko [ng underwear]. 'Yong sa kanya [Sid] talaga… may dragon akong nakita," natatawa pa ring paglalahad ng aktres.
Hindi naman napigilang matawa ni Sid sa kabilang linya nang maalala ang eksenang tinutukoy ni Ayanna.
"Thanks for reminding me. Nakalimutan ko na 'yon, e. Pinaalala mo pa. Hahahaha!" singit n'ya sa mga ikinuwento ni Ayanna.
Sagot naman sa kanya ng kanyang leading lady, "Memorable kasi sa akin 'yon. Parang second day pa lang natin 'yon."