Matapos kumalat ang mga post na nagseselos umano si Xian Gaza sa recent post ni Zeinab Harake na kasama si Wilbert Ross na sinabihan ni Zeinab ng, 'yabyuuuu always wilby (emoji heart)' sabay post sa kanyang Facebook account, nagpaliwanag naman si Zeinab.
Dahil kaibigan naman ang turing ni Zeinab kay Xian kaya nag-post din siya ng larawan nila ni Xian noong nagkita sila sa Marina Bay Sands Singapore at nagdinner.
"'Wag kana mag selos friendly lang talaga ako sa mga lalaki mas masarap kasi kayong maging kaibigan (emoji laughing face)," sabi ni Zeinab sa caption.
Ni-repost ni Xian Gaza ang post ni Zeinab na sinabing 'wag na siya magselos na ang caption ay, "Okay po. Hindi na ko nagseselos."
At para rin siguro asarin ng lalaking tsismoso si Wilbert ay pinost nito ang regalong short sa kanya ni Zeinab sabay kuwento na lagi pala silang nagkikita sa ibang bansa.
At mukhang tinamaan na si Xian dahil ang huling mensahe niya kay Zeinab ay, "ang wish ko for you this Christmas eh sana matagpuan mo na ako by 2023 kasi kaya ko namang magseryoso para sa'yo.
Happy Holidays! God bless you!"
Sumagot si Zeinab Harake sa sinabing ito ni Gaza, "Hayup ka talaga whahahaha love you happy ako nagustuhan mo kahit simple lang bawi ako soon (emoji praying hands)."