May mga umuugong na balita ngayon sa social media kaugnay sa sikat na vlogger na si Zeinab Harake, dahil ang sabi-sabi, mukhang may boyfriend na ang dalaga at ang itinuturo ng mga netizens ay si Wilbert Ross.
Nitong nakaraan kasi, lumabas sa FB ni Zeinab ang larawan nila ni Wilbert at umabot sa 7,100 shares, 5,400 comments at 451,000 likes and heart.
"Yabyuuuu always wilby (emoji heart)," saad sa caption ni Zeinab.
Ang ilang mga netizens naman ay botong-boto sa dalawa at sana sila na lang ang magkatuluyan.
Pero may napansin ang mga netizens sa post dahil tila naghihimutok umano si Xian Gaza kung saan may comment ito na "nagseselos ako tangina makatulog na nga."
Sinundan pa sa comment section niya ng, "parang gusto kong magwala. Nakakapanginig ng laman.
Sabi naman ng kaibigan nitong si @Ace Alemania, "okay lang yan magkamukha naman kayo! Hahah."
Pero mainit talaga ang ulo ni Xian dahil sinagot niya ng, "huwag ngayon at baka hindi kita matantsa."
Bale ba ilang araw bago pinost ni Zeinab ang larawan nila ni Wilbert ay ang saya-saya pa ni Xian sa pinost niyang larawan nilang dalawa.