Sa wakas ay nagsalita na rin ang aktres na si Barbie Imperial kaugnay sa nangyari umanong "panunugod" at diumanoy "pananakit" niya sa sexy actress na si Debbie Garcia.
"I think naka-move on na ako from it and then actually, noong lumabas 'yon, hindi ko siya gustong sagutin o pag-usapan kasi siyempre dinala na sa korte," sabi ni Barbie at dagdag niya, simula raw noon ay wala raw update patungkol sa kaso dahil hindi naman daw siya nakatanggap ng sulat o subpoena patungkol rito.
"Walang update… walang dumating ever sa akin na para pong subpoena, 'yun ba ang tawag doon. Pero if ever ready naman po ako," sabi ng dalaga.
Nang tanungin naman siya kung ano ang naging cause ng kanilang "away" ay minabuti na rin ng dalaga na huwag nang magbigay ng komento.
Tinanong rin ang dalaga kung may pag-asa pa bang na magkaayos at magkabati silang dalawa.
"Honestly for me kasi we were friends before and something happened lang na malalim and ako naman po hindi naman po ako 'yung taong nagagalit if wala naman and chances were given before pero pag inulit-ulit kasi parang bastos na di ba so nandon po ako sa point na ayoko nang mag-reconnect ever," sagot ni Barbie.
"Just leave it that way, walang bastusan pero done na," dagdag pa niya.
Naikuwento pa nga ni Barbie na nagkaroon na raw sila noon pa man ng problema at nangyari ulit pero inirespeto pa rin niya si Debbie kahit na dalawang beses itong nangyari.
"So noong nagkita kami ulit na parang nangpo-provoke, parang for me, wala akong ginawa noong may ginawa kang mali sa 'kin tapos ikaw pa 'yung mag-a-act ng ganito… Parang for me, sobra na," sabi pa ni Barbie.