DYARYO TIRADA

Heaven Peralejo, palaban

Joy Asagra

Talagang naging palaban pala ang ang aktres na si Heaven Peralejo sa kanyang role sa Metro Manila Film Festival 2022 entry nila na "Nanahimik Ang Gabi" (A Silent Night) kung saan kasama niya ang mga beteranong aktor na si Ian Veneracion at Mon Confiado.

Ang pelikula ay isang suspense-thriller movie kung saan may mga halikan at love scenes sina Heaven at aminado ang dalaga na muntik na raw niyang tanggihan ang pelikula.

"Akala ko nu'ng una ide-decline ko na talaga kasi ilang beses din nila akong niligawan. Medyo matagal din talaga. Pero nakapag-compromise nga kami sa kung hanggang saan ko lang kaya ibigay. Ayaw din naman nila akong pilitin. Nag-compromise po kami in the middle," sabi ni Heaven.

Napapayag din daw siya na gawin ang movie dahil nangako sa kanya ang Rein Entertainment na hindi niya pagsisisihan ang proyekto.

"Sabi nila, 'Kaming Rein Entertainment' aalagaan ka namin. Kung paano mo nabi-visualize itong film na ito, ganu'n din namin nabi-visualize.' They made me feel comfortable. Nakakatuwa na I can portray that kind of role pala. They pushed me to my limits. It's a different Heaven that you'll see," pahayag pa ng dalaga.

Sinabi ni Heaven na mismong ang nanay niya ang nagbigay ng go-signal na tanggapin niya ang proyekto kahit na nga kailangan niyang magpaka-daring at makipag-love scene kay Ian.

"At some point, hindi pa rin naman matatanggal na may sexual scenes na gagawin for the film to arrive doon sa story na 'yun. Sabi rin naman nila, it's part of the film. Kasi siyempre nu'ng una sobrang baby ko po. Talagang hindi ako papayag sa mga ganu'n. Pero nu'ng nilawakan ko 'yung pag-iisip ko na oo nga naman it's more than 'yung mga ganu'ng scene. It's about the message. Tsaka hindi ko rin naman ito tatanggapin kung hindi pumayag ang nanay ko," sabi ni Heaven.

"Maraming limitations. Sa pakita, the way it's gonna be shot. Ang nangyari, before sumabak sa film, lahat ng per scene, lahat 'yun may shot na. So nakita ko na lahat kung anong klaseng shot 'yung gagawin. Talagang parang anime. Ganu'n 'yun respeto nila sa akin," dagdag pa niya.