Aminado ang sexy actress na si Azi Acosta na na-awkward siya sa naging kissing scene nila ni Mark Anthony Fernandez sa lauching movie n'ya na Pamasahe na offering ng Vivamax.
Sa isang panayam, sinabi ng dalaga ng naging maayos naman umano ang naging eksena nila ni Mark dahil mahusay daw itong katrabaho at kung nakaramdam man daw s'ya ng awkwardness, ito daw ay dahil sa paraan ng paghalik ng aktor.
"Para lang s'yang flow lang na smooth lang talaga ang nangyari. Kasi si Kuya Mark naman magaling talaga s'yang ka-eksena. Ang galing n'ya nga pong mag-kiss, e. Pero na-awkward po ako nu'ng una kasi may dila. Hahaha!" sabi ni Azi.
Nagdalawang isip nga daw s'ya that time kung lalaban din ba s'ya ng halikan. Sa huli ay nagpaubaya na lang daw s'ya sa seasoned actor.
"Hindi ko po alam kung gaganti ba ako o wag na. 'Hayaan ko na lang. Maganda naman na 'tong eksena na 'to. Hindi ko naman kailangang dumila din kasi hindi rin naman kita. Bakit ko pa gagawin?' Ayon 'yong nasa isip ko po nu'ng time na 'yon," dagdag pa niya.
Dahil dito ay natanong pa ang bagong pantasya sa Vivamax kung sino ba para sa kanya ang mas mahusay humalik, kung ang non-showbiz ex-boyfriend ba n'ya o ang co-actor na si Mark Anthony.
"Si Kuya Mark, s'yempre. Hahaha!" mabilis na sagot ni Azi.
At nang matanong naman kung ano paano n'ya masasabing good kisser ang isang lalaki, aniya, "Siguro po pag hindi s'ya pilit. 'Yong ganu'n lang, pag pareho kayong masaya."
Pero kahit na bigay-todo umano sa kissing scene si Mark ay umiiral pa rin naman daw ang pagka-maginoo nito.
"Gentleman po si Kuya Mark. After nga po nu'ng eksena kinoberan n'ya ako agad, e," saad ni Azi.
Isa pa sa inamin ng 18-year-old model-turned-sexy actress ay nahirapan s'ya sa mga love scenes n'ya sa pelikula with different actors dahil hindi daw n'ya alam before kung ano ang ibibigay na akmang expression.