Pinag-iingat ngayon ng mga otoridad ang publiko sa mga online lending company na sangkot umano sa pagbabanta sa mga kliyente nitong hindi nakababayad agad ng utang at ayon sa Philippine National Police, kailangan itong ireport agad sa mga kinauukulan.
Paliwanag ni PNP Anti-Cybercrime Group spokesperson PLt. Michelle Sabino, kailangan munang busisiin nang mabuti ang mga online lending apps dahil sa mga kundisyon na nakapaloob rito.
"So parang mada-download nila sa certain Google App store, or sometimes they find it in social media wherein nag-o-offer 'to ng lending, ng pera. So pagka nag-offer na sila, da-download mo yung app, and then doon sa terms and conditions ng app, it's stated there na you are allowing yung mga contacts mo na pwedeng ma-view or magamit ni ano, ni lending company yung mga contacts," sabi ni Sabino
"So in the event na hindi makabayad si, yung nangutang, they result into harassment. Ayan yung shine-shame nila, tapos kung ano-anong threats yung mga binibigay nila doon sa umutang," dagdag niya.
"Sometimes the modus of this online lending apps is like, mangungutang ka ngayon. Pag hindi ka nakabayad, the agent would say na, okay para ma-pay off mo 'to, para masambot mo yung utang mo sa'min, you can loan again from another lending company, which is, affiliated din sa kanila."
"So you could just imagine the accumulated interest over time. Kasi nadadagdagan nang nadadagdagan yung utang mo, na kung tutuusin, interest na lang," dagdag pa ng opisyal.
Payo ni Sabino sa publiko, maging maingat sa pag-utang ng pera.
"We understand we are in need of money, one thing kasi na very catchy dito sa mga lending companies na ito, ano eh, parang automatic approve kaagad eh, like all you need to have, yung requirement is you, your social media account…marami pong naglipanang mga ganyan online lending agencies, akala natin nakakatulong sa atin, which in turn, pagdating ng huli, ibinabaon lang tayo," saad ni Sabino
Dagdag pa niya, maaari ring sampahan ng reklamo ang mga online lending apps na binabantaan ang kanilang mga kliyente.
"Yung mga kasama doon sa contacts ni victim diba, tapos na-harass sila, pwede rin sila mag-file ng ano, ng cyberlibel under Section 4 of RA 10175, tapos grave threat in relation to Section 6 of 10175, which is the Cybercrime Prevention Act of 2012, pati yung victim pwede rin 'to…pati misuse of device also under Section 4 of RA 10175."
"Pwede rin doon sa Data Privacy Act of 2012, dyan nga sa National Privacy Commission kasi illegal ng pag-a-acess ng mga info, nga mga tao, ng mga contact numbers, nung nasa Friends List without their permission. So bawal po din yan," sabi pa ni Sabino.
Kaya paalala sa ating mga kababayan, kailangang mag-ingat sa mga ganitong klaseng nagpapautang dahil hindi ito makakabuti sa ating mga kababayan.