DYARYO TIRADA

Arci Muñoz, may BF na?

Cheriel Lazo

Kumakalat ngayon sa social media ang mga usap-usapan na baka may boyfriend na ang aktres na si Arci Muñoz dahil sa kanyang IG ay nagbahagi siya ng mga larawan kasama ang napapabalitang boyfriend ng aktres na si Seth Jamora.

Si Seth ay anak ni Lhing Jamora, kapatid na babae ni Jinkee at kambal nitong si Janet Jumalon.

"THE MANNY SHOT! great night with awesome people. [smiling emoji]" saad ni Arci sa kanyang caption.

Bago pa ito, si Seth ay matagal nang nagpu-post ng sweet photos nila ni Arci at nitong nakaraan nga ay kasama naman niya si Arci na namamasyal sa South Korea.

"What's on my bucket list? Everywhere with you. @ramonathornes [black heart emoji]"

Sa huling post ng binata, nagpakita siya ng apat na larawan nila ni Arci na kuha pa rin sa Seoul, South Korea. Makikitang nakahawak ang aktres sa braso ni Seth habang naglalakad.

"They say Disney World is the "Happiest place on Earth". Obviously they've never been in your arms. @ramonathornes [black heart emoji]" sabi ni Seth.