Balik sa trabaho ang "Darna" actress na si Jane De Leon matapos gumaling sa matinding sakit na pinagdaanan niya nitong nakaraang linggo kung saan sinabi ng dalaga na na-diagnose siya ng dengue at urinary tract infection (UTI) matapos sumailalim sa ilang medical tests.
Kung matatandaan, nanghingi pa ng paumanhin ang dalaga sa kanyang mga fans at followers dahil sa pagiging inactive sa social media.
"Hi everyone! Sorry if I'm not active lately. I'm still sick. I was tested positive with dengue and UTI. I won't be able to reply but I promise to see you guys soon. Thank you for all the prayers," sabi ng dalaga sa naunang post.
Sa ngayon ay magaling na ang dalaga at sumabak nang muli sa taping at nitong nakaraan rin ay ipinakita ng producer ng hit fantasy-action series na "Mars Ravelo's Darna" na JRB Creative Production ang litrato ni Jane na tila nakasalang na sa set.
"SHE'S BACK! (red heart emoji) #DarnaNoOnesArc ngayong gabi na! #Darna" sabi sa caption.
May Instagram post din mismo si Jane at masayang-masayang ibinalita na magaling na siya.
Lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng pagmamahal at dasal na natanggap noong siya'y may sakit.
IG caption niya, "HELLO! I'm back! (white heart emoji)
concept
"Thank you for all the love and prayers! Nagpapalakas pa rin pero lavaaarn na! (folded hands emoji)" sabi ng dalaga.