DYARYO TIRADA
Bela Padilla, may gustong makasama
Nais umanong makasama ng aktres na si Bela Padilla ang pinsan n'yang si Daniel Padilla sa isang pelikula at ayon sa dalaga ay willing s'yang makatrabaho ang kanyang pinsan at kung sakaling matuloy ito, gusto umano n'yang crime or horror film ang pagsasamahan nila.
"I'd love to! He's an amazing actor. I'd love to do a heist film/psycho thriller with DJ to show his range," saad ni Bela.
Ikina-excite tuloy ng mga fans ang inilahad na ito ni Bela.
Mukhang namang magiging swak ang opportunity na ito para sa dalawang Padilla.
Matatandaang nagpahiwatig si Daniel at kanyang love team partner and girlfriend na si Kathryn Bernardo nito lang nakalipas na October na hindi na muna sila magsasama sa projets para makapag-explore sila sa kani-kanilang career.