DYARYO TIRADA

Alex Gonzaga, na-trauma

Joy Asagra

Inihayag ng aktres at TV host na si Alex Gonzaga na na-trauma umano siya sa ginawa ng isang isang matandang artista sa kanya at sa kanyang podcast episode ay ibinahagi niya ang engkwentro sa kapwa artista kung saan sinigaw-sigawan siya nito.

"So there was a time, when I was in early 20s, mag-21 ako, I was so traumatized. Pinagsisigawan ako ng isang artistang matanda. Pinagsisigawan talaga niya ako from head to foot, everything," kuwento ni Alex.

"Akala niya galing ako sa bahay late lang ako, hindi niya alam na galing ako sa work kasi siguro hindi sinabi sa kanya," dagdag pa niya.

Ayon pa sa aktres, matapos raw ang ilang taon ay tila siya raw ang lumalabas na masama sa kwento ng nasabing artista.

"And then after how many years, she's painting me as a bad guy, na deserve ko [masigawan]. 'Yung pinapanood ko, I think ako yan, pero parang 'yung kwento ko ang sinasabi niya pero mali 'yung kwento niya. Di ba may mga ganon? May mga tao na who did you wrong or who traumatized you, and then you don't even talk about it," sabi ni Alex.

Dagdag pa niya, may mga klase raw talaga ng mga taong kapag hinayaan mo lang ay sila pa ang mabait sa kuwento at siya pa ang nagiging masama at nagiging iba raw ang takbo ng kwento.

"So naisip ko, anong kailangan kong gawin kapag ganoon? And then ang daming um-agree… wala [na kong gagawin] kasi alam ko naman 'yung katotohanan e," sabi pa ni Alex.

Hindi naman na pinangalanan ng bunsong kapatid ni Toni kung sino ang artistang sinigaw-sigawan siya ngunit marami sa mga netizens ang nagsasabing si Dina Bonnevie raw ito.

Ayon kasi sa naging interview sa beteranang aktres noong 2018, mayroon raw isang artista na nakasama n'ya noon na sa isang teleserye na "attitude" at "feeling reyna" at palaging pinag-aantay ang mga veteran actors.