DYARYO TIRADA

Ivana Alawi, hanggang date lang muna

Joy Asagra

Aminado ang aktres at sexy vlogger na si Ivana Alawi na hanggang date lang muna siya sa ngayon at ayaw pa niyang sumabak sa isang seryosong relasyon.

"Ngayon, ayoko nang mag-relasyon. Gusto ko, date-date lang. Hangga't nae-enjoy ko ang work, work. Tapos date-date kapag may time," saad ni Ivana sa isang panayam.

Nang matanong kung bakit ayaw niya sa isang relasyon, sinabi ng dalaga na naghahanap lamang siya ng tamang tao.

"Hindi naman sa ayaw, pero wala pa 'yung tamang tao. Gusto ko na kapag papasok ako sa relasyon, 'yan na ang asawa ko," sabi ni Ivana.

Kamakailan lamang ay ipinakilala ang dalaga bilang kauna-unahang ambassador ng Maxi Juice, isang all-natural healthy juice drink sa Platform Bar, Resorts World.

Sigurista pala si Ivana sa pagtanggap ng mga produktong ie-endorso niya. Bago daw pumirma ng kontrata ay susubukan muna niya, sampu ng kanyang pamilya, ng ilang buwan ang produkto at pag nasiyahan siya at pasado sa standard niya ay saka palang o-oo. Dumaan daw sa same process ang juice drink na inilulungsad niya.

"Actually ako, important sa any products na ine-endorse ko, gusto ko siyang tina-try," lahad niya. "Ita-try ko siya ng ilang buwan kung effective siya sa akin, effective sa family ko bago ako um-oo sa isang endorsement. 'Yun ang importante sa akin. Gusto ko na effective ang product na ie-endorse ko. Kasi, if I don't believe in the product, paano ko siya mae-endorse na totoo? Noong triny ko siya, nakita ko ang benefits," saad niya about sa ine-endorsong juice drink.