Ginulat ng baguhang Vivamax bombshell na si Azi Acosta ang lahat ng dumalo sa private screening ng kanyang launching movie na "Pamasahe" nitong nakaraan sa Gateway Cineplex.
Kasi naman, talagang very revealing ang kanyang outfit – isang long red gown pero nakalabas ang isang bahagi ng kanyang boobs na ang tanging natatakpan lamang ay ang kanyang nipple.
Ayon kay Azi, ang veteran actress at dati ring sexy star na si Rosanna Roces ang peg niya sa pagsusuot ng pasabog na outfit at sana raw ay nabigyan niya ito ng justice.
Pero bukod sa kanyang suot, pinuri rin si Azi sa kanyang pagganap sa pelikula at ayon sa mga nakapanood ay natural na natural na akting niya sa movie.
Very proud din sa kanya ang cult director na si Roman Perez, Jr. dahil talagang ibinigay nga niya ang lahat-lahat para sa kanyang launching film. At makikita nga ito sa kabuuan ng pelikula, lalo na sa rape scene.
Ang "pamasahe" ay nangangahulugan ng dalawang bagay: perang dapat ibayad sa pampublikong transportasyon, o isang pakiusap para sa serbisyong masahe, tulad ng pagsabi ng "Paki masahe ako."