DYARYO TIRADA

Building sa Malabon gumuho: 3 sugatan

Cherk Balagtas

Tatlo ang sugatan sa gumuhong three-storey residential building sa kahabaan ng Orchid Street, Brgy. Longos, Malabon, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasugatang sina Rob Tombocon, Francisco Catindoy at Ronalyn Tombocon na mabilis namang nalapatan ng first aid ng Red Cross.

Base sa salaysay ng mga biktima, bago umano ang pagguho ay nakaramdam umano sila ng tila malakas na lindol.

Ang nasabing gusali ay nakatayo sa ibabaw ng isang creek at posibleng bumigay ang pundasyon ng gusali dahil na rin sa madalas na pag-uulan na nagdudulot ng pagbaha.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente.