DYARYO TIRADA

Barbie Forteza, nagpakilig

Cheriel Lazo

Nagpakilig ang aktres na si Barbie Forteza nang batiin niya ang kanyang boyfriend na si Jak Roberto para sa kaarawan nito.

Sa IG ipinakita ng dalaga ang kanyang pagmamahal kay Jak at ipinost ang ilang sweet photo ng date nilang dalawa sa isang Japanese restaurant.

"Bat ganun? Birthday mo pero mas masaya ako? Hahahaha! Ang saya ko sa Japanese food e (sushi emoji) Happy 29th birthday, @jakroberto (red heart emoji)" I love you when it's easy, I love you even more when it's difficult. I love you because you love me," sabi ng dalaga.

Siyempre, sumagot naman ang aktor.

"I love you so much (red heart emoji)" sabi ni Jak.

Kilig to the bones rin ang fans at binati rin nila ng "Happy Birthday" ang aktor.

Bukod sa libo-libong netizens, ilan din sa mga kapwa-celebrities na bumati ay sina Kuya Kim, Manilyn Reyes, Rita Daniela, Tina Paner, Julie Anne San Jose, Rodjun Cruz, at marami pang iba.

Limang taon nang magkasintahan sina Barbie at Jak.

pNagsimula ang love story ng dalawa nang magkasama sila sa teleseryeng "Meant To Be" noong 2017.