Masaya ang pasok ng Disyembre para sa singer na si Rachelle Ann Go at asawa nitong si Martin Spies dahil isang blessing na naman kasi ang darating sa kanila dahil magkakaroon na ng kapatid ang kanilang panganay na anak.
Sa Instagram account nga ni Rachelle Ann ay ibinahagi nito ang pagkakaroon nila ng ikalawang anak.
"Hello December! Hello Baby #2," saad niya sa caption.
Matatandaang nitong Marso lang nang i-celebrate nila ng kanyang asawa ang 1st birthday ng panganay nilang si Lukas at ngayon nga ay magiging kuya na ito.
Marami naman sa kanilang mga kaibigan sa industriya ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa bagong blessing na darating sa pamilya ng mang-aawit.
Noong Enero lang rin nang dalhin ng mang-aawit ang kanilang panganay na si Lukas sa Pilipinas.
Sa ngayon ay naninirahan ang mag-anak sa London ngunit base sa larawang kanilang ibinahagi ay kasalukuyan silang nasa Capetown, South Africa.
April 2018 nang magpakasal si Rachelle Anne sa kanyang asawang si Martin sa Boracay.