May mga tsismis ngayong umaaligid sa aktres na si Angel Guardian na umano'y may mga nagkakagusto umano sa kanyang mga lesbian o tomboy at mukhang mabenta daw kasi ang beauty niya na may pagka-boyish sa mga lesbians.
"Huh? Sino? Tomboy? Oh my God, sino 'to?" saad ng dalaga. "May ano lang talaga ako na ganu'n. Hindi ko alam kung bakit. Siguro napagkakamalan ako…madalas. Depende siguro sa suot ko. Pag nakaganito [off shoulder dress with ruffles] kasi ako babae ako gumalaw, e. Pero pag hindi na, pag naka-baggy na ako, wala na…nawawala [ang finesse]."
Pagkaklaro pa n'ya, wala naman daw LGBTQIA+ member na naglakas ng loob so far na pumorma sa kanya at nilinaw niyang hindi naman umano s'ya against sa pakikipagrelasyon sa kaparehong kasarian pero it's not her thing daw, personally.
"Wala naman akong ano sa ganu'n. Pero with me lang, parang hindi for me," saad ni Angel.
Samantala, nilinaw ni Angel na wala umanong katotohanan na nanliligaw si Kokoy de Santos na kasama niya sa reality game show na Running Man Philippines.
Ayon sa dalaga, maayos naman daw sila ng aktor pero hindi raw sila nagkikita recently, pati na rin ng iba pa nilang kasama sa Running Man Philippines , dahil pare-pareho silang busy.
"Okey naman kami ni Kokoy… Busy parehas, e. Busy ako. Pero lagi kaming nagpa-plan. May group chat kami lahat sa Running Man. So 'yon, hindi nagkakatugma-tugma ang schedule namin," sabi ni Angel.