Isang bagong mukha ang ihahandog ng Vivamax sa latest movie offering nito na "Pamasahe" na directed by Roman Perez, Jr. — si Azi Acosta.
Ang "pamasahe" ay nangangahulugan ng dalawang bagay: perang dapat ibayad sa pampublikong transportasyon, o isang pakiusap para sa serbisyong masahe, tulad ng pagsabi ng "Paki masahe ako."
Gagampanan ni Azi ang karakter ni Lineth, na isang inang mula sa probinsya ng Negros. Matapos masalanta ng bagyo ang kanilang lugar, siya ay babyahe patungong Maynila, bitbit ang saggol na anak, para hanapin ang kanyang asawa.
Isang kapuspalad at walang pera upang ipambayad sa barkong kanyang sinakyan, mauuwi siya sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kalalakihan.
Ito ang unang pagkakataong bibida sa pelikula si Azi na naging bahagi na ng mga Vivamax Original na "Sitio Diablo" at "Ang Babaeng Nawawala sa Sarili", na idinirek din ni Roman Perez, Jr.
Hinangaan din siya sa "Selina's Gold" ni McArthur C. Alejandre at sa sexy drama series na "An/Na" ni direk Jose Javier Reyes.
Kapuri-puri ang dedikasyon ni Azi sa kanyang trabaho at madali itong matuto kaya hindi nakapagtatakang binigyan na siya ng pagkakataon para maging bida.
"I started po as a model. Then my designer took me to Viva and introduced me to Boss Vic del Rosario. I first appeared as a model in 'Ang Babaeng Nawawala sa Sarili' then isinama ako sa 'Sitio Diablo'," sabi ni Azi.
"Pangarap ko talaga kasi maging artista. Ang mama ko naman, okay lang daw sa kanya kasi makikita lang nila, hindi naman nila makukuha. But when she saw 'yung scene sa 'Selina's Gold' na nire-rape ako, sabi niya, tumigil na lang daw ako kasi napaiyak siya. Magbalik na lang daw ako sa pag-aaral," dagdag ng sexy star.