Walang keber at talagang game na game ang Vivamax bombshell na si Micaella Raz sa pinakabagong offering ng film outfit na "Bata Pa Si Sabel" kung saan kasama rin niya ang mga kapatid niyang sina Angela Morena at Stefanie Raz.
Pare-parehong game sa paghuhubad at paggawa ng sex scenes sa Vivamax ang "Tres Marias" na mga pamangkin ng dati ring sexy star na si Lara Morena.
Si Angela ang pinakamatanda sa magkakapatid na ginamit ang apelyido ni Lara habang mas ginusto nina Stefanie at Micaella na gamitin ang tunay nilang family name.
Mapapanood nga ang magkakapatid sa latest Vivamax Original na "Bata Pa Si Sabel" na launching movie ni Micaella. In fairness, all out ang ibinigay na suporta sa kanya rito ng dalawa niyang sisteraka.
Sa kuwento ng "Bata Pa Si Sabel", gaganap si Micaella bilang isang young bride na gagahasain ng adik na anak ng mayor kasama ang dalawang katropa nito sa mismong honeymoon nila ng kanyang groom.
Pinatay din ng mga suspek ang kanyang asawa kaya naman isinusumpa niyang ipaghihiganti ang karumal-dumal na nangyari sa kanila.
"I really appreciate the efforts of my sister to help me. Lalo na ang ate kong si Angela, kasi nagbibida na siya but she just plays a supporting role here just to help me. We shot the movie on location in Mindoro and we really had fun being together kasi the place where we stayed was near the beach, so para lang kaming nagbabakasyon," sabi ni Micaella.
Ilang beses nang nagbida si Angela sa mga pelikula ng Vivamax pero pumayag siyang mag-support sa "Bata Pa si Sabel", "Actually, mas naunang i-shoot itong 'Bata Pa si Sabel' pero mas una lang naipalabas ang 'Tubero.'
"But I don't really mind switching from lead to supporting roles. In 'Alapaap', I also play a supporting role as a native girl in Mindoro who lead actor Josef Elizalde hires to be part of the documentary they're filming there. Okay lang naman," sabi naman ni Angela.