DYARYO TIRADA

Heart Evangelista, stressed na

Cheriel Lazo

Aminado ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na napapagod at nai-stress din siya sa pag-attend at pagrampa niya sa mga international fashion events at ayon pa sa kanya ay hindi rin madali ang pinaggagagawa niya sa mga pinupuntahang fashion week lalo na sa Europe dahil talagang kinakarir nga niya ito magkaroon ng malakas na impact.

Sa isa niyang YouTube vlog, mapapanood ang pagbabahagi ng aktres tungkol sa mga naging kaganapan sa pagpunta niya sa Milan Fashion Week noong November 9 at ipinakita ni Heart kung gaano kahirap at katindi ang ginagawa niyang preparasyon kapag naiimbita siya sa isang fashion event.

Sabi pa niya, dalawa hanggang tatlo lamang ang kasama niya lagi kapag umaalis ng bansa para magtrabaho at magpaka-fashionista — yan ay ang kanyang mga stylist at videographer.

Sa nasabing vlog, sinabi ni Heart kung gaano katindi ang "stress" na naranasan niya sa pagpunta sa Milan Fashion Week na sunod-sunod ang fashion shows.

"We go to fashion week because it's our work. Aside from the fact that it's very fun, aside from the fact that I started fashion week because I was trying to be creative with my time," sabi ni Heart.