DYARYO TIRADA

Quinn Carrillo, walang insecurity

Cheriel Lazo

Nalampasan ng screenwriter and sexy actress na si Quinn Carrillo ang kanyang insecurity pagdating sa kanyang morena skin during her teenage years pero aminado siya na nainggit daw siya sa mga kaklase niya may Barbie dolls kaya't nagpabili din daw siya noon ng mamahaling manika sa kanyang tita.

Ayon sa bida ng bagong offering ng Vivamax na "Showroom", naging tampulan daw siya ng tukso ng minsang dalhin niya ang Barbie n'ya sa school.

"Ang pinaka-devious na kinainggitan ko nu'ng bata ako 'yong Barbie. Kasi dati walang Barbie dito sa Pinas. Ang hirap [makahanap] nu'ng original na Barbie. Humingi pa ako sa tita ko from the States and then 'yong pinadala n'ya 'yong morenang Barbie," sabi ni Quinn.

"Umiiyak ako. Sabi ko, 'Bakit maitim 'yong Barbie?' Tapos 'yong mga kaklase ko na meron [Barbie] inaasar nila ako na, 'Ano ba naman 'yang Barbie mo? Kasing itim mo?' 'Hindi nga kasi ito 'yong gusto ko.'

Tapos umiiyak ako sa bahay. 'Gusto ko ng maputing Barbie,'" dagdag niya.

Pag-amin pa n'ya, insecure din daw talaga s'ya sa kanyang brown complexion noon lalo na nu'ng nag-umpisa na s'yang magkaroon ng crush.

"Siguro growing up around teen-age years ko. Kasi s'yempre, being an adolescent, 'yan 'yong para akong sabik sa boys na gusto ko rin 'yong crush ko may crush sa akin or gusto ko rin 'yong attention ng boys," sabi ng dalaga.

But because she was surrounded with love, natutunan daw n'yang tanggapin at mahalin ang kulay n'ya eventually. These days, proud morena na s'ya sa tuwing may nagtatanong sa kanya kung paano ba n'ya na-achieve ang complexion n'ya.

"Ngayon sobrang proud ako sa color ko. Ang dami nagsasabi, 'Paano mo naa-achieve 'yong ganyang color?' Sabi ko, 'It's natural. Galing sa nanay ko.' Akala nila nagsa-sunbathing pa ako pero no. Sobrang proud ako. Nagpapaitim pa talaga ako sa beach, e, para mas mapula-pula s'ya," sabi ni Quinn.