DYARYO TIRADA

Anne Curtis, nag-celebrate

Joy Asagra

Ipinagdiwang ng aktres na si Anne Curtis ang 5th wedding anniversary nila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff at nagbakasyon ang mag-asawa kasama ang kanilang anak na si Dahlia sa isang beach.

Nag-post si Anne sa IG ng kanilang family picture habang na sa beach.

"Whisked off to paradise for a quick getaway to celebrate our anniversary (white heart emoji) Love you both so much @erwan. Here's to many more core memories made (flower emoji)," sabi ni Anne sa kanyang caption.

Nagpaabot naman ng mga pagbati ang ilang celebrities at kabilang na riyan sina Raymond Gutierrez, Kim Chiu, Bianca Gonzales, Isabel Oli, at marami pang iba.

Taong 2017 nang ikinasal sina Anne at Erwan sa New Zealand ay noong 2020 naman nang isinilang ng aktres ang first baby nila sa Australia.

Ngayong taon lang bumalik sa mundo ng showbiz si Anne matapos siyang magpahinga upang matutukan ang kanyang pamilya.

Kamakailan lang ay nag-trending ang kanyang bagong look na kung saan ay nagpagupit siya ng maikling buhok. Binanggit niya ang naging inspirasyon niya sa kanyang new look na si Amélie Poulain, isang French character mula sa 2001 romantic comedy na pinamagatang "Amélie."