DYARYO TIRADA

Quinn Carrillo, walang keber

Cheriel Lazo

Maituturing ng dating Belladonnas dancer-turned- Vivamax star na si Quinn Carrillo na boldest movie niya ang pelikulang "Showroom" kung saan napalaban siya nang husto sa pagpapakita ng alindog.

"I don't usually do this kind of film. But since ako naman ang nagsulat. Super trusted ko si Direk Carlo [Obispo] na maaalagaan ako. So I agreed to this," ani Quinn.

Isa na nga ngayon si Quinn sa most-sought after screenwriters ng Vivamax. Bukod sa Showroom, nakapagsulat na ng iskrip para kina Direk Joel Lamangan (Biyak) at Louie Ignacio (The Influencer) at iba pang acclaimed directors.

Pero dahil marami nga siyang maseselang eksena sa Showroom, aminado rin siyang pinaaalis daw niya ang nanay niyang si Len Carillo, who's co-producing some of her projects sa Vivamax, sa set.

"Parang unethical naman kung habang kinukunan 'yong scenes, nanonood 'yong parents mo. So, it's better na 'yong work-related lang o kailangan lang sa set, 'yon po ang pinakukulong ni Direk," sabi ng dalaga.

Besides, as a responsible adult, sobra raw ang tiwala sa kanya ng kanyang mga magulang at bilang actress at scriptwriter, nababalanse naman daw niya ang kanyang oras.

"I think, it's all about time management. Kapag may screenwriting gigs ako, hindi ako tumatanggap ng acting assignments and vice versa," sabi ni Quinn.

At tulad ng ibang writers, dumaranas din daw siya ng writer's block. Pero kadalasan naman daw ay napaglalabanan niya ito.

Sa kanyang latest starrer na Showroom, proud din siyang makasama ang magaling at kontrobersyal na actor na si Kit Thompson na kamakailan lang ay nasangkot sa isyu ng umano'y pambubugbog ng ex-girlfriend nito.