DYARYO TIRADA

Neri Naig, loves si Chito Miranda

Joy Asagra

Talagang hindi itinatago ng dating aktres na si Neri Naig ang pagmamahal niya sa asawang si Chito Miranda at nakaka-inspire ang pagpaparamdam at pagpapakita ng celebrity couple ng kanilang pagmamahal sa isa't isa.

Wala silang keber sa pagpo-post ng kanilang sweet at cheesy message sa isa't isa.

Sa kanyang IG, ipinakita ni Neri sa buong universe ang kanyang abot-langit na pagmamahal kay Chito kalakip ang isang appreciation post para sa OPM icon.

"My favorite and my forever date. Minsan nagkakapikunan at nagkakairitahan. Pero isang lambing at yakap lang galing sa lalaking eto… wala na… Marupok na ako kahit mag-asawa na kami, araw araw pa rin akong nililigawan nito. May pa flowers at love letters palagi. Saka gusto palaging nagde-date kami. Sya talaga nagrerequest," sabi ni Neri.

"Kapag pangit ang araw ko o ako mismo yung pangit, never nyang ipaparamdam yun. Palagi nyang ireremind sa akin kung gaano ako kaganda kahit hindi ko maramdaman na maganda ako. Palagi nyang pinagagaan ang pakiramdam ko. Kapag down ako, never nyang ipapa-feel sa akin na nag iinarte ako. Ipaparamdam nya sa akin na valid ang feelings ko kahit minsan siya ang dahilan. maiirita muna siya sa akin tapos lalambingin ako after, hehe! Hindi naman yan santo, pikon yan," dagdag niya.

Sa huling bahagi ng kanyang paandar na IG post, ipinagdiinan pa ni Neri na feel na feel niya ang kanyang pagiging gurl kapag kapiling ang asawang bokalista ng Parokya ni Edgar.

"Iba ang Chito Miranda. Iba magmahal. Iba mag-alaga. Iba sumuporta. Babaeng babae ako. Mahal na mahal ko tong bwiset na to! I love you, Dad! Sooobra!!!" pagmamalaki pa ni Neri.