DYARYO TIRADA

Ellen Adarna, pumalag sa mga bashers

Cheriel Lazo

Hindi pinalampas ng aktres na si Ellen Adarna ang isang basher na nagkomento sa kanyang latest Instagram post kung saan pinuna nito ang pag-aalaga niya sa may sakit niyang mister na si Derek Ramsay.

Sa kanynag IG, ipinakita ni Ellen ang ilang litrato ng aktor na nagpapahinga at may suot na oxygen mask at ayon sa kanya, nakakaranas si Derek ng tinatawag na "altitude sickness" matapos ang ilang araw nilang pamamasyal sa Peru.

"The situation and Views (laughing emoji) #altitudesickness ain't so bad – ganda ng view eh…(laughing emoji)" Thank you @coach_nasser_bali The zen breathing and meditations worked. I was not hit with the altitude sickness at all!" saad ni Ellen sa caption.

Nagkomento naman mismo si Derek sa kanyang post ng may napakaraming laughing emoji.

Pero tila may isang netizen na hindi natuwa sa update ni Ellen at pinagsabihan pa ang aktres na ginagawang katatawanan umano ng aktres ang seryosong kalagayan ng asawa.

"Unbelievable (crying face emoji)(face with open mouth emoji) I understand that maybe that's her human nature, but what is your husband gone or going through is not a joke. How can you laugh on top of your lungs while your husband is suffering and chasing his breath. Oh Bless Him," sabi ng basher.

Kaagad na bumwelta si Ellen at sinabing hindi naman siya ang nag-aalaga kay Derek.

"@itsmeangelatan he was laughing at himself too so what's your problem?! Are u the one taking care of him? No. God bless you and your judgements," saad ni Ellen.