Talagang naging all-out ang ginawang performance ng Vivamax bombshell na si Rob Guinto sa latest offering ng Vivamax na "Show Room" kung saan kasama rin niya ang baguhang si Quinn Carillo.
Hubad kung hubad at sex kung sex ang pinaggagawa ng dalawang Vivamax bombshell sa pelikulang mapapanood na sa Vivamax sa November 11, sa direksyon ni Carlo Gallen Obispo na unang pagkakataong sasabak sa paggawa ng sexy movie.
Bukod sa pagiging bida sa pelikula, si Quinn din ang sumulat ng istorya. Ginagampanan niya rito ang karakter ni Liezl na isang real estate agent na nakikipag-sex sa mga kliyente para makabenta.
Ganito rin ang role ni Rob sa movie kaya ang ending, nagpaligsahan sila ni Quinn sa paramihan ng mabebentang properties at ng mga customer na machuchurva nila.
Napanood namin ang "Show Room" sa ginanap na private screening nito noong Martes at talagang hindi lang sa hubaran at love scenes nagpatalbugan sina Rob at Quinn dahil sumabak din sila sa aktingan.
Ayon naman kay Quinn, ito na ang pinaka-bold na movie na ginawa niya at "mula himpapawid hangang lupa" ang ginawa niyang mga sex scenes sa "Show Room."
Inamin din ni Quinn na pinagalitan siya nang bonggang-bongga ng mentor niyang si Joel Lamangan nang malaman daw nito na tumodo siya sa paghuhubad sa bago niyang pelikula.
"'Yung pagpapa-sexy pinagalitan ako ni direk Joel like totoong pinagalitan niya ako. At sinabi ni direk na next time haharangan na niya ako kapag nagpa-sexy pa ako. Pero may point naman siya. Pero kapag siguro with the right material I would fight for it naman. If the material calls for it," sabi ni Quinn.
"Tiniyak din ni direk Carlo and everyone in the production na I'm safe and comfortable on the set. At first siguro medyo nangangapa ako pero noong mga sumunod na okey na kasi sunod-sunod ang mga sexy scene. At ang unang kinunan sa akin ay iyong unang scene na napanood ninyo na sobra-sobra talaga ang ginawa ko," saad pa ng dalaga.