Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Imee muling tumulong sa Navotas

Cherk Balagtas · Nov 11, 2022, 4:38 AM

Muling namahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ang DSWD katuwang ang tanggapan ni Senator Imee R. Marcos.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, nasa 500 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kani-kanilang mga benepisyo.

Kasunod ding bibigyan ng ayuda ang 500 namang Persons With Disability.

Samantala, namahagi rin ang senadora ng wheelchairs sa 15 senior citizens at nutribun at arroz caldo sa mga kabataan.