DYARYO TIRADA
Isa patay, 44 naospital dahil sa food poisoning
Isang estudyante ang naitalang namatay habang nasa 44 namang iba pa ang naosipital dahil umano sa food poisoning na nangyari sa Pili National High School sa Ajuy, Iloilo.
Ayon sa mga paunang ulat, ang namatay na estudyante ay isang 17-anyos na babae at ang lahat umano ng biktima ay nakainom umano ng buko juice sa acquaintance party.
Saad naman ng lokal na pamahalaan, isinugod sa iba't ibang ospital ang mga estudyante ng Grade 11, pati guro at staff ng Pili National High School matapos makaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagdudumi.
Ayon sa head teacher ng eskwelahan, patuloy pa nilang inaaalam ang dahilan ng pagkakasakit ng mga estudyante at guro.
Iniimbestigahan na rin umano ng provincial health office ang nangyari.